Mga Sangkap:

2 pirasong talong

150 grams atay ng manok

1 tasang mantika

¼ tasang MARCA PIÑA SOY SAUCE

2 kutsarang MARCA PIÑA SUKANG PUTI

2 kutsarang tinadtad na bawang

asin at paminta, panimpla

2 pirasong itlog

Cornstarch

 

Lagyan ng asin at paminta ang atay ayon sa panimpla. Painitan ang kawali at lagyan ng mantika. Igisa ang atay at bawang. Ihalo ang MARCA PIÑA SOY SAUCE at ang MARCA PIÑA SUKANG PUTI. Lutuin hanggang sa maluto ang atay. Hiwain ng pa- diagonal ang talong. Ibalot ang atay sa talong at lagayan ng toothpick. Lagyan ng asin at paminta ang talong ayon sa panlasa. Ilubog ang talong na may atay sa itlog, igulong sa tinadtad na bawang at cornstarch. Iprito ng lubog sa mantika. Ihain kasama ang mayo-ketsup na sawsawan o sweet chili sauce.