Mga Sangkap:

Filling:

3 kutsarang bawang

3 kutsarang sibuyas na puti

4 kutsarang pinaghalong red at green bell pepper, tinadtad

6 kutsarang MARCA PIÑA SOY SAUCE

4 kutsarang MARCA PIÑA OYSTER SAUCE

10 kutsarang carrots, tinadtad

½ tasang patatas, tinadtad

1 latang baby corn, tinadtad

1 latang green peas, tinadtad

1/8 kutsaritang asin

12 pirasong tokwa, malalaki

mantika para sa deep frying

3 kutsarang mantika, panggisa

cornstarch

Sauce:

1 kutsarang bawang

2 ½ kutsarang cornstarch, tinunaw sa 2 kutsarang tubig

½ tasang MARCA PIÑA SOY SAUCE

2 kutsarang MARCA PIÑA OYSTER SAUCE

1 tasang tubig

¼ tasang asukal na pula

2 kutsarang honey

Hiwain ng maliliit ang carrots, patatas, baby corn at green peas. Hatiin sa gitna ang tokwa. Matapos hatiin sa dalawa ang tokwa, hiwain ang taas na bahagi nito ng may ¼ pulgada ang kapal, gumawa ng hukay sa gitnang bahagi ng towka hanggang sa gilid. Ihiwalay ang tokwa at ang tinanggal na tokwa ay hiwain ng maliliit. Painitin ang kawali at ilagay ang mantika. Igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang lahat ng gulay at ang tinaggal na tokwa. Ihalo ang MARCA PIÑA SOY SAUCE at ang MARCA PIÑA OYSTER SAUCE. Matapos igisa ang mga gulay, ipalaman ang mga ito sa hiniwang tokwa. Lagyan ng cornstarch ang buong tokwa at iprito ng nakalubog sa maiinit na mantika. Hanguin hanggang sa maging golden brown. Para sa sauce, paghaluin ang lahat ng mga sangkap at lutuin hanggang sa lumapot ang sauce.