Mga Sangkap:

15-20 pirasong chicken wings

 

Fillings:

½ tasang singkamas, tinadtad

½ kilong giniling na baboy

2 pirasong carrots, tinadtad

1 pirasong sibuyas, tinadtad

3 kutsarang dahon ng sibuyas, tinadtad

5 ½ kutsarang MARCA PIÑA SOY SAUCE

1 itlog

1/3 tasang cornstarch

½ kutsaritang asin

¼ kutsaritang pamintang durog

 

For coating:

1 pakete ng bread crumbs

1 tasang harina

2 itlog

 

Paghaluin ang lahat ng mga sangkap para sa fillings. Ilagay sa refrigerator sa loob ng 20 minuto. Para sa chicken wings, tanggalin ang buto at hiwain ang gilid ng wings. Ilagay ang pinalamig na fillings sa loob ng manok.. Igulong sa harina, itlog at breadcrumbs ang manok. Iprito ng lubog sa maiinit na mantika hanggang sa maging golden brown.