Mga Sangkap:

½ kilong giniling na baboy

½ tasang MARCA PIÑA SOY SAUCE

1 pirasong pork cube

3 kutsarang bawang, tinadtad

¼ kutsaritang paminta, dinurog

3 pirasong dahon ng laurel

2 kutsarang MARCA PIÑA CANE VINEGAR

1 latang button mushroom, tinadtad

10 kutsarang cheese, ginadgad

2 pakete ng all purpose cream

2 kutsarang cold butter

½ kutsarang asukal na pula

½ kilong macaroni pasta, niluto

asin at paminta, pampalasa

tinadtad na parsley, pampalamuti

Ibabad ang giniling na baboy sa MARCA PIÑA SOY SAUCE. Matapos ibabad, painitin ang kawali at lagyan ng mantika at igisa ang karne kasama ang pork cube, lutuin hanggang sa half cooked ang karne. Ihiwalay. Sa parehong kawali, ilagay ang natitirang mantika at igisa ang bawang. Idagdag ang paminta, dahon ng laurel at MARCA PIÑA CANE VINEGAR. Bahagyang pakuluin hanggang sa lumabas ang maasim na amoy. Ihalo ang nalutong giniling na baboy, button mushroom at ginadgad na cheese. Bahagyang pakuluin at isama ang all purpose cream at ang cold butter. Idagdag ang nalutong pasta. Lagyan ng paminta at asin ayon sa panlasa. Ilipat sa isang lagayan at palamutian ng tinadtad na parsley.